11/28/2008

Pagtatapos ng Programa

Ang araw na ito ay masyadong abala para saakin. Bakit? Dahil naghahanda na naman kami para sa Awarding at Pagtatapos ng Programa kaugnay pa rin sa 74th National Book Week Celebration.

Sa oras ng Fil. Lit 1 inayos ko ang mga premyo ng mga nanalo at nag – usap – usap kami kung ano ang dapat gawin sa Awarding. Hindi na ako pumasok sa susunod na asignatura naming dahil inaasikaso ko ang mga sertipiko ng mga nanalo , sponsors, hurado at ng mga sumali.

Ginanap ang awarding ng 3 : 30 ng hapon at ang lahat ay nagtulong – tulong para maayos ang pagdadausan. Masasabi ko lang na sa pagtatapos ng programang ito marami akong natutunan. Naranasan ko kung paano ang magsagawa ng isnag activity na kami mismo ang gagawa ng lahat sa tulong at paggabay ng aming bagong instraktor. Kahit na mahirap at nakakapagod masaya naman at nagkaroon na ako ng mga bagong ideya kung paano ang humawak at mgasagawa ng isang activity.

Ang activity na ito ay nagging matagumpay dahil sa pagkakaisa ng klase kahit na minsan ay nagrereklamo na sila sa mga babayaran at sa suporta na rin ni sir Irvin. Sabi nga ni maam Monserate ang dekana ng aming departamento sa kanyang mensahe ang ginawa naming ay umpisa pa lamang at marami pa kaming magagawa.

Nakakagaan ng loob na ang pinaghirapan naming aktivity ay nagtapos ng matagumpay.

11/26/2008

Paligsahan

Hay naku, ito na ang araw ng activity ng tatlong seksyon ng departamento ng edukasyon ang BEED – 2 , BEED – 3 at BSED 2 . talaga namang ang lahat ay excited na sa gagawing contest. Maagang dumating ang aking mga kaklase para maghanda ng gaganapan at ng mga gagawin, siyempre kasama ako dun. Lahat ay masaya, nagsisidatingan ang mga kalahok sa poster making ang mga bumibili at tumitingin sa Booksale ng BEED – 3 at siyempre saamin ang mga nagpapasa ng mga RAWIT – DAWIT at TIGSIK. Pumunta rin sa laybrari ang mga guro at ang Dean n gaming departamento.

Masaya rin kami habang kunukuhanan ng mga larawan para sa aming dokumentasyon. Sa hapon, dumating rin ang isa sa mga miyembro ng KABULIG si ginoong Chancoco at siya ay nagbigay ng pandagdag s apremyo ng mananalo sa Tigsik at Rawit – Dawit. Kumuha kami ng larawan kasama si ginoong Chancoco.

Habang naghihintay sa mga hurado ginawa ko muna ang Rating Sheet para sa Tigsik at Rawit dawit. Hapon na ng matapos ang lahat. Natapos ang hapon ng nakakapagod at siyempre kahit na pagod masaya naman. Heheheh…

11/24/2008

Paghahanda

Ngayong araw na ito ay masyadong busy ang aming klase para sa paghahanda sa gagawing activity sa miyerkules kaugnay sa pagdiriwang ng National Book Week na may temang "Ang Batang Palabasa, Dalubhasa sa Kultura". Ang Gagawin namin ay magkakaroon kami ng Literary Contest, kung saan ito ay paligsahan sa paggawa ng Rawit-Dawit at Tigsik.
Sa totoo lang nakakapagod siya kasi maraming dapat asikasuhin at dapat gawin, pero okay lang din kasi kapalit naman nito ay aming marka at para saakin kahit na mahirap siya at nakakapagod, ang importante natututo ako at nasasanay at nachachalenge ako na gawin ang isang mahirap na bagay lalo na kung ito naman ay nakakatulong sa aking sarili.
Kaya kahit na mahirap, masaya ako sa aking mga ginagawa......

11/19/2008

Pag-uusap sa activity sa susunod na linggo

Ngayong araw na ito ay nagbigay ng Trivia si Ms. Joan at nag- ulat si Ms. Merygen. May ilang bagay na nilinaw si sir tungkol sa ulat na kanilang ginawa.
Pagkatapos ay nag -usap usap na kami sa mga gagawin kaugnay sa gaganapin na paligsahan sa paggawa ng tula o rawitdawit at tigsik na gamit ang bikol bilang midyum. Kaya hinati hati na ang klase sa ibat ibang comittees para sa gagawing activity para ito ay matagumpay na magawa.
Ang paksa pala ng gagawing paligsahan ay "Ang Batang Palabasa, Dalubhasa sa Kultura" ito ay kaugnay sa National Book Week mula ika 24-28 ng Nobyembre taong kasalukuyan...
Gudluck na lang saaming lahat .......

11/17/2008

Pagbibigay Panuto

Ang nagbigay ng Trivia sa araw na ito ay si Ms. Cyra at ang kanyang trivia ay tungkol sa "Patula o Poetry". Sinundan ng Pagbabalita ni Ms. Gherlyn tungkol sa Pagtaas ng singil sa kuryente ng MERALCO.Pagkatapos nila, nagbigay rin si sir ng kanyang sariling Trivia .

Alam nyo bang ako ang nagsumikap (Prilles, 2007) para mapahintulutang makrieyt ang wikang Bikol Central na edisyon ng Wikipedia?


Ako ang nagparikwest (Sto. Tomas, 2007) ng proposal para sa pagkakaroon ng sariling Wikipidyang Bikol. Hindi man reliable ang ensayklopidya ayon sa isang korte sa Amerika (Koman, 2008), ang importante, mabibigyan ng puwang ang wikang Bikol sa internet. Naapruv ang Bikol Wikipedia noong November 24, 2007 at sa pagkakakrieyt ng Apolonio Sto. Tomas noong September 4, 2008, umabot na ang bilang ng mga artikulo sa isandaang libo. S kasalukuyan, meron nang 1, 169 artikulo sa Bikol Wikipidya. Sa darating na Wednesday, unang aniversari na ng proyekto!
Ang Wikipedia (Mga Kontribyutor ng Wikipedia, 2008) ay isang libre, multilinggwal at kolaborativ na pagbuo ng ensayklopidya sa internet.


Mga referens:

Prilles, Willy B., 'Help argue for a Bikol Wikipedia', A NagueƱo in the Blogosphere, , 1 August 2007, 4:01 N.H., <http://nagueno.blogspot.com/2007/08/help-argue-for-bikol-wikipedia.html> [binuksan noong 15 November 2008]

Sto. Tomas, Irvin P., 'Rikwest para sa Bikol Wikipedia', Filipinayzd, 30 July 30 2007, <http://filipinayzd.i.ph/blogs/filipinayzd/2007/07/30/rikwest-para-sa-bikol-wikipedia/> [binuksan noong 15 November 2008]

Koman, Richard, 'No judicial notice for Wikipedia', ZDNet Government, 13 November 2008, *:02 N.U. <http://government.zdnet.com/?p=4182> [binuksan noong 15 November 2008]Mga kontribyutor ng Wikipedia, 'Wikipedia', Wikipedia, The Free Encyclopedia, 14 November 2008, 9:35 N.U., <http://en.wikipedia.org/w/index.php?title=Wikipedia&oldid=251812253> [binuksan noong 15 November 2008].

( Ito ang halimbawa ng trivia na kailangan naming gawin . ) Dapat nakapaloob ang mga referens na kinunan ng trivia..

Nagbigay rin si sir ng kanyang panuntunan kung papaano kami mag -uulat ng trivia at balita. Kailangan ay nakapaloob ang mga pinagkunan at kung maaari ay yung latest. Isa pa sa sinabi ni sir ay sa pagrereport o pagturo, dapat hindi manila paper ang gamitin, dahil masyado na daw makaluma. dapat kahit na anong papael basta't malinis, Tandaan kahit na anong klaseng papel, huwag lang "MANILA PAPER".



11/14/2008

Pag-uulat ni Robert

Sinimulan ang pagtalakay sa panalangin na pinangunahan ni Tifanny. Sinundan ng Trivia ni Ma. Carla at balita ni Shiela Mae tungkol sa panahon.
Iniulat ni Robert ang tungkol sa mga Awiting- Bayan at kantahing-bayan kung saan inawit namin ang ilan sa halimbawa nito tulad ng "Magtanim ay Di Biro". Nagbigay rin ng halimbawa ang aming guro ang kantang may pamagat na "Ako Baga Ikos" .

Ako baga Ikos

Ako baga ikos,
tukaw ako gilid
dae ako ano
pakol ako sigid,
tagbang ako pantaw
lamag ako orig
sakat ako kahoy
lamag ako amid.

Tinalakay rin namin ang tunkol sa Panunuluyan o Panharong-harong kung saan nagbahagi ang aming guro at aking mga klasmeyt ng mga impormasyon tungkol dito. Ibinigay rin ni sir ang kanyang Blog Address para sa kanyang klase kung saan doon namin makikita ang ilang mga impormasyon sa lahat ng klase.


11/12/2008

Pagkilala sa Bagong Guro

Ika-12 ng Nobyembre, ito ang araw ng pagkikita at pagkilala sa aming bagong guro. Ang pangalan niya ay Mr. Irvin P. Sto. Tomas, nakatira sa Canaman Cam.Sur. Siya ay dalawamput limang taong gulang na. Siya muna ang magiging guro namin sa buong semester habang nakaonlive pa ang dati naming guro na si ginang Elsa E. Durante.
Masaya ako dahil may bago na kaming guro. Sa araw ding ito ay ibinigay ni sir ang kanyang mga requirements. Isa na dito ang paggawa ng BLOG kung saan imbes na portfolio ay gagawa na lang kami ng sarili naming Blog at doon namin ilalagay ang lahat ng aming gagawin. subalit sa totoo lang hindi ko alam ang tungkol sa Blog kaya ipinaliwanag na lang saamin ng aming guro kung paano magregister dito.
Nung una nalilito pa ako pero madali lang pala siya. kaya nga nakagawa na ako....